One JCSIA × North Caloocan Bible College · Webinar
Dalawang oras kasama si Bp. Derio Dotosme para pag-usapan kung ano talaga ang sinasabi ng Salita ng Diyos, ano ang tindig ng ating simbahan, at ano ang tindig ng Body of Christ.
Mag-register na →Ano ang nangyayari sa ating kapanahunan, at bakit ito mahalaga sa bawat mananampalataya.
Balik sa Kasulatan: ano ang malinaw na itinuturo nito sa gitna ng maraming boses.
Saan nakatayo ang One JCSIA, at paano natin ito panghahawakan.
Paano tayo tatayo nang sama-sama bilang iisang katawan ni Cristo.
Bakit ngayon?
Maraming aral at opinyon ang umiikot ngayon, online man o sa pulpito. Madaling malito kung alin ang totoo.
Ang webinar na ito ay para tulungan tayong bumalik sa Salita, maintindihan ang mga isyu, at malaman kung paano tayo tatayo bilang simbahan.
“Mahalaga po na malaman natin kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos, ano ang tindig ng ating simbahan, ano ang tindig ng Body of Christ.”
— Bp. Derio Dotosme
Ang speaker
Head Pastor, One JCSIA
Si Bishop Derio ang Head Pastor ng One JCSIA, ang Jesus Christ the Savior International Assemblies. Siya ang mangunguna sa dalawang oras na pag-aaral na ito.
Hatid sa inyo ng Jesus Christ the Savior International Assemblies at North Caloocan Bible College.
Para kanino ito
Bukas ito sa lahat, JCSIA member ka man o galing sa ibang simbahan.
Registration
Mag-register, magbayad via bank transfer, GCash o PayPal, at ipapadala namin ang Teams link kapag nakumpirma na ang bayad.
Para sa mga miyembro ng alinmang JCSIA assembly.
Para sa mga galing sa ibang simbahan o ministry.
Mag-register
May tanong?
Punan ang registration form sa itaas. Pagka-submit, dadalhin ka sa page na may bank details at kung saan mo ia-upload ang proof of payment.
₱350 para sa JCSIA members at ₱500 para sa non-JCSIA.
Via bank transfer sa Metrobank account ng Jesus Christ the Savior Intl, via GCash QR, o via PayPal. Ang buong detalye ay makikita pagka-register.
Kapag nakumpirma na namin ang bayad mo, ipapadala namin ang Teams link sa email at phone number na inilagay mo.
Oo! Bukas ang webinar sa lahat ng mananampalataya, anuman ang iyong simbahan.